• Malou Manuel

Dream Team ng USA, Malabong Lumahok sa 2021 Tokyo Olympics


Malungkot na balita para sa mga NBA fans dahil malabo umanong makasama ang mga manlalaro ng National Basketball Association sa gaganaping Tokyo Olympics sa susunod na taon, 2021.

Ayon kay Commissioner Adam Silver, ito ay dahil late na nagbukas ang liga sa bunsod ng Corona virus pandemic na nararanasan ng buong bansa.

Karamihan umano sa Star players ng NBA ay hindi makakasama sa pagsasanay sa mga training camps para sa paghahanda sa Olympics.

Simula nung 1989 ay laging kasama sa Olympics ang mga NBA players, ganun din noong 1992 Barcelona Olympics na laging nakakakuha ng gintong medalya ang dream team ng USA. Maliban lang noong 2004, na nasungkit ng Argentina ang kampeonato.