top of page

Drive-thru Communion at Confessions, Gimik ng isang Pari sa Pampanga


Contributed Photo.

Drive-through communion ang naisip na paraan ni Fr. Mario Sol Gabriel ng Angeles City, Pampanga upang maibahagi ang sakramento sa mga deboto habang patuloy na inoobserbahan ang social distancing.

Nakilahok ang mga deboto sa online Mass ni Fr. Gabriel mula sa kani-kanilang mga sasakyan na nakaparada sa labas ng The Lord’s Transfiguration Parish Church.

Nagsasagawa rin ng ‘drive-thru confessions’ ang pari na kalaunan ay itinigil din dahil sa mga agam-agam na baka maging sanhi ito ng pagkalat ng Covid-19.

Maliban kay Gabriel, ilan pang mga Filipino priests ang gumagawa ng iba’t-ibang paraan upang makapagsagawa ng mga sakramento sa mga deboto na apektado ng pandemiya.

Isa sa mga ito si Fr. Ching Fuertez na pinopost online ang kaniyang mga solo concerts kung saan siya kumakanta ng sariling komposisyon.

Siniguro naman nina Fr. Gabriel na may suot silang personal protective equipment sa pagsasagawa ng mga church activities at sacraments.

bottom of page