DSWD, Kinilala Bilang ‘Most Responsive Agency’


Kinilala ang Department of Social Welfare and Develeopment (DSWD) bilang ‘most responsive agency’ sa naganap na awarding rites ng programang Digong 8888 Hotline ng People’s Television Network nitong Martes.

Ayon sa broadcasting network, kinilala ang DSWD sa pagpapanatiling bukas ang linya nito sa publiko upang mapaunlakan ang mga panayam at tumugon sa mga reklamo o suhestiyon mula sa kanilang mga kliyente.

Sa ngalan ng ahensya, tinanggap ni DSWD Undersecretary Danilo G. Pamonag kay Digong 8888 Hotline Producer John Louise Osuyos at Associate Producer Adrien Matienzo ang iginawad na parangal ng broadcasting network sa DSWD Central Office nitong July 29.

Nakasisiguro naman ang DSWD na mas palalawakin pa ang suporta nito sa programa at titiyaking matugunan ang lahat ng kahilingan at daing ng publiko para sa pagpapabuti ng kanilang tanggapan.