top of page

DSWD, Naglunsad ng Isang Online Portal para sa mga Hinaing sa SAP


Photo from www.usaptayo.dswd.gov.ph

Naglunsad ang Department of Social welfare and Development ng isang online portal na uSAPtayo kung saan maaring maihatid ang mga daing at suhestiyon ng mga taong nakakatanggap ng subsidiya mula sa Social Amelioration Program ng pamahalaan.

Sa pakikipagtulungan ng World Bank at Australian government ay matagumpay na inilunsad ng ahensya ang naturang website para tugunan ang hinaing ng publiko gamit lamang ang online portal ng mga mamamayang nakakatanggap ng subsidiya mula sa SAP.

Laging handang magbigay serbisyo ang uSAPtayo website anumang oras para dinggin ang hiling at daing ng publiko patungkol sa implementasyon ng programa at ginagawang hakbang ng ahensya para rito.

Lubos naman ang pasasalamat ni DSWD Secretary Rolando Bautista sa World Bank, Australian government at sa lahat ng nagbibigay ng suporta sa pagpapabuti ng kanilang ahensya.

Bukod sa uSAPtayo website ay maari paring dumulog sa mga hotlines ng DWSD: 0947-482-2864, 0916-247-1194 at 0932-933-3251. Pwede rin puntahan ang kanilang official social media accounts para sa iba pang serbisyo.

bottom of page