DSWD Nagpaalala na Gamitin sa Tama ang Nakukuhang Ayuda sa Gobyerno
Updated: Apr 24, 2020
Nagpaalala ang Department of Social and Welfare Development (DSWD) sa mga beneficiaries ng ayuda ng natatanggap mula sa pamahalaan partikular na ang Social Amelioration Program (SAP) nagamitin sa tamang paraan at pangunahing pangangailan ng pamilya ang nakukuhang tulong pinansyal mula sa gobyerno.
Ang SAP ay ang ayudang ipinagkakaloob ng gobyerno sa mga pamilyang mahihirap na walang pantustos sa pang-araw-araw na buhay dahilan sa umiiral na enhanced community quarantine.
Matatandaang nagbabala si Senator Bong Go sa mga naglulustay at ginagamit sa hindi magandang paraan ang ayudang natatanggap mula sa pamahalaan.
