DTI, Inirekomenda ang Pagbubukas ng mga Internet Cafes sa GCQ Areas

Nirekomenda ng Department of Trade and Industry (DTI) ang muling pagbubukas ng mga internet cafes sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ngunit papayagan lamang kung para ito sa educational purposes ng mga mag-aaral.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, kabilang sa nakapaloob sa kanilang rekomendasyon ang pagbubukas ng mga tutorial centers at review centers.
Ani Lopez, ang unti-unting pagbubukas ng iba’t ibang establisyimento ay isa sa mga hakbang ng pamahalaan upang muling buhayin ang ekonomiya ng bansa matapos matigil ang operasyon ng ilang sektor sanhi ng global pandemic.
Samantala, siniguro ng kalihim na agarang isasarado ang mga naturang establisyimento kung ito ay lalabag sa health standards ng gobyerno.