DTI, Ipinagbawal ang Dine-In Services ng mga Canteen at Common Smoking Areas sa Ilalim ng MECQ

Mahigpit nang ipinagbabawal ng Department of Trade and Industry (DTI) ang operasyon ng dine-in services sa mga canteen at common smoking areas sa ilang establisyimento sa lugar na isinailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinakabagong quarantine measures ng DTI sa mga naturang establisyimento na tiyak mas mahigpit sa nakasanayan upang protektahan ang mga health workers kontra sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Bagama’t ipinahinto na ang operasyon ng mga canteen sa MECQ areas para sa dine-in services ng mga ito ay maari parin naman maging opsyon ang packed food at deliveries.
Ani Roque, pinapayagan lamang ang paninigarilyo sa mga individual smoking areas o booths ngunit mahigpit dapat aniyang inoobserbahan ang panuntunan ng pamahalan patungkol sa physical distancing upang malayo sa panganib dulot ng sakit.