DTI, Papayagan na ang Operasyon ng mga Negosyo at Iba Pang Establisyimento ng 100% sa GCQ Areas


Papayagan na ang mga piling negosyo at establisyimento sa operasyon nito hanggang 100% kapasidad sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Bagama't full operation na ang mga piling negosyo sa lugar na nasa ilalim ng GCQ ay limitado parin ang kapasidad ng ilang mga establisyimento gaya ng mga barber shops at salon na papayagan lamang hanggang 75%.

Kabilang sa mga establisyimento na papayagang mag-accomodate ng buong kapasidad ay ang domestic mining and quarrying, financial services, legal and accounting, management consultancy, architecture and engineering activities, at iba pang industriya na mayroong kinalaman sa siyentipiko at media.

Samantala, ang nga kainan o restaurant sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ na tumatanggap ng 50% capacity ng mga customer ay kinakailangan panatilihin ang mahigpit na pagpapatupad ng physical distancing upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.