DTI, Pinag-aaralan ang Pagkakaroon ng Across the Board Tariff sa mga Imported Products
Iniulat ni Department of Trade and Industry Undersecretary Ceferino Rodolfo na kasalukuyang sinusuri ng gobyerno ang posibleng pagkakaroon ng 5% taripa o buwis sa mga produktong inaangkat sa Pilipinas.
Maaari raw makapag-produce ng P245 billion na dagdag sa budget ng bansa ang pagpapatupad nito, base sa 2016-2018 average imports na makakatulong sa pagrerecover ng ekonomiya pagkatapos ng COVID-19 pandemic.
Samantalang hindi pa nakikita ang kahalagahan ng pagpapatupad nito sa ngayon, sinabi ng DTI na sinusuri pa rin ang magiging epekto nito sa komersiyo at kalakalan sa bansa.
Matatandaang walang kahit anong buwis o taripa ang nakalapat sa mga inaangkat na produkto sa bansa.
