top of page

Duterte, Aprubado na ang Hazard Pay ng mga COVID-19 Frontliners


A healthcare worker extracts blood for Covid19 rapid test

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karagdagang benepisyo para sa lahat ng mga health workers na nakikipaglaban sa paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa matapos nitong lagdaan ang batas na nag-uutos na mabigyan ng buwanang active hazard pay ang mga ito.


Sa ilalim ng Administrative Order no. 35 ay nakasaad na mabibigyan ng hanggang P3,000 ang bawat frontliners kada buwan habang nasa kalagitnaan ng isang state national emergency ang bansa.


Maliban sa mga regular employees sa iba’t ibang medical facility ay makatatanggap din ng naturang benepisyo ang mga contractual o casual positions kahit pa ang mga ito ay full o part-time sa serbisyo.


Pinahihintulutan din ng naturang batas ang pagtugon sa special risk allowance na hindi lalagpas hanggang P5,000 kada buwan para sa mga private at public health workers na direktang nag-aasikaso o may contact sa mga pasyente ng COVID-19.

bottom of page