top of page

Duterte Magbibigay ng P30,000 Pabuya sa Makapagtuturo ng mga Opisyal na Kumukurakot sa SAP

Handang magbigay ng pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte para sa makapapagbigay ng inpormasyon o makakapagturo sa mga corrupt na opisyal ng pamahalaan na nagbubulsa sa pondo ng gobyero para sa Social Amelioration Program (SAP).

Aniya, 30,000 pesos ang pabuyang matatanggap ng makapagturo sa mga ito.

Samantala, buong tapang na pinangalanan ni Pang. Duterte ang isang opisyal sa Barangay Agustin, Hagonoy, Bulacan na si Danilo Flores na aniya isa sa mga kumukurakot ng pera ng gobyerno na pinamamahagi sa SAP.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga abusado at corrupt na local officials ay maaring ipagbigay alam sa numero na 8888.

Binigyang diin pa ni Roque na “zero tolerance” ang pamahalaan sa mga kumukarakot ng pera na para sa mahihirap.



bottom of page