top of page

Ebidensiyang Nagpapatunay na “Airborne” ang Coronavirus Kinumpirma ng WHO


Contributed photo.

Kinumpirma ng World Health Organization (WHO) ang paglitaw ng mga kabaha-bahalang ebidensiya ng airborne transmission ng coronavirus.

Ito’y matapos mailathala ang isang sulat na nilagdaan ng 239 siyentipiko, na maaaring makuha ng mga tao ang coronavirus sa pamamagitan ng water droplets na lumulutang sa ere.


Sinabi ni Infectious Disease Epidemiologist Maria Van Kerkove na pinag-aaralan na nila ang mga posiblilidad ng airborne at aerosol transmission ganun din ang iba pang mode of transmission tulad ng fecal-oral, ina sa anak, hayop sa tao, at mga bagay tulad ng damit at iba pa na maaaring maging carrier ng virus.

Binigyang-diin din ni Van Kerkove at ng Health Emergencies Program ng WHO ang kahalagahan ng vetilation at marami raw sa mga lumagda sa kasulatan ay mga inhinyero.

Sinabi naman ni WHO Technical Lead for Infection Prevention and Control Dr. Benedetta Alleganzi, sa isang briefing, na ‘di makakaila ang posibilidad ng airborne transmission lalo na sa mga matataong lugar ngunit kinakailangan pa ring kumalap ng mas maraming ebidensiya at pag-aralan ito.

Nakikipag-ugnayan na ang WHO sa mga scientists na pumirma sa kasulatan upang magsagawa ng mas malalim pang pananaliksik ukol sa paksa.

bottom of page