top of page

Eduardo ‘Danding’ Cojuangco Jr., SMC Chairman at CEO, Pumanaw sa Edad na 85


Pumanaw na ang dating Philippine Ambassador at San Miguel Corporation (SMC) Chairman at long time supporter ng Philippine basketball na si Eduardo ‘Danding’ Cojuangco Jr. sa edad na 85.

Batay sa kumpirmasyon nina SMC President and COO Ramon Ang at dating Pangasinan Rep. Mark Cojuangco, binawian ito ng buhay alas 10:40 kagabi, Hunyo 16, sa St. Luke’s Medical Center dahil sa pneumonia at heart failure.

Nagsilbing Chairman at Chief Executive Officer si Conjuangco, o mas kilala bilang ‘Boss Danding’, ng San Miguel sa loob ng 22 taon, simula noong 1970s, kung saan naging isa ito sa mga pinakamalaking food and beverage conglomerates sa bansa.

Binuo at pinamunuan din ng dating Philippine Ambassador ang National People’s Coalition (NPC) party noong 1992 at kumandidato laban kay former President Fidel V. Ramos sa pagkapangulo nang parehong taon.

Ngunit bago tumakbo sa pagkapangulo, nagsilbi munang Tarlac City Governor si Danding simula 1967 hanggang 1969, at Tarlac 1st District Representative simula 1969 hanggang 1972.


Binansagan ding ‘Basketball Godfather’ ang negosyante at kinilala bilang isa sa mga pinakamalaking taga-suporta ng Philippine Basketball Association (PBA), kung saan nagmamay-ari siya ng tatlong koponan sa liga: San Miguel Beermen, Barangay Ginebra San Miguel, at Magnolia Hotshots.

Nagbigay pugay din ang PBA kay Boss Danding at pinasalamatan ito sa lahat ng kontribusyon at suporta nito sa Philippine basketball.

Nag-iwan din ng marka ang negosyante sa Philippine sports matapos suportahan ang De La Salle Green Archers at Northern Consolidated Cement (NCC) National Team.

Kinilala naman ng Forbes si Boss Danding bilang “16th richest man in the Philippines” noong 2019 na may net worth na $1.4 billion.

Bumuhos naman ang pakikiramay ng iba’t-ibang sector sa pagpanaw ni Boss Danding.

Lubos na nakikiramay ang Radyo Pilipino sa pamilya Cojuangco.

bottom of page