Eiffel Tower, Muling Binuksan sa Turista!


Muling binuksan ang Paris iconic landmark na Eiffel tower para sa mga turistang nais masilayan muli ang ganda nito matapos ang higit tatlong buwan nitong pagkakasara sa publiko sanhi ng coronavirus disease 2019.

Matapos ang isang daang araw na isinailalim ang buong France sa mahigpit na restriksyon ng quarantine ay muling sinimulan ang operasyon ng tourism industry dito noong nakaraang linggo ngunit hindi naman agarang binuksan ang 1,063-foot tall na Eiffel tower sa Paris.

Gayunpaman, mahigpit parin ang pagpapatupad ng sanitary measures gaya ng pagsusuot ng face mask at mahigpit na pagsunod sa physical distancing upang maiwasan ang panganib mula sa sakit na COVID-19.