top of page

Ekonomiya ng Bansa, Posibleng Bumagsak ng 2 Hanggang 3.4 Porsiyento Dahil sa COVID-19

Dulot ng COVID-19 pandemic, itinala sa revised government assumptions na babagsak ng 2 hanggang 3.4 porsiyento ang ekonomiya ng bansa ngayong 2020.

Ayon sa Department of Budget and Management, pagkatapos magkaroon ng lockdown sa Metro Manila, halos P2 trillion ang nawala sa ekonomiya ng Pilipinas at nangangahulugan ito ng 9.4 porsiyento sa ating gross domestic product.

Samantala, sinabi naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez, upang maisauli ito mahalaga na ibalik ang P8 trillion 'Build, Build, Build' program at mag-hire ng mga contact tracers na magbibigay sa libo-libong Metro Manila residents ng trabaho.



bottom of page