top of page

Ekonomiya ng Bansa, Unti-unti nang Nakakabangon


Nagsisimula nang bumangon ang ekonomiya ng bansa matapos ang 0.2% na economic contraction sa loob ng unang tatlong buwan ng taon dahil sa dalawang linggong lockdown sa buong Luzon base sa Economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinahayag ni Acting Socio economic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, nag-iimprove na ang mga datos may kinalaman sa ekonomiya ng bansa kumpara sa mga nakaraang buwan.

Samantala, idinagdag naman ni Chua na nasa kamay na ng mga mamamayan ang patuloy na pag-usad ng bansa tungo sa normal nitong sistema, kung susunod ang bawat isa sa mga minimum health standards.

Pagtatrabaho habang nananatiling ligtas naman ang susi upang mapanatili ang araw-araw nating rutin, ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, hanggat hindi nawawala ang virus at wala pang bakuna.

bottom of page