top of page

El Nido, Magsisimula na ang Dry Run Ngayong Hulyo


Sisimulan na ang dry run sa isla ng El Nido sa Palawan bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng turismo nito matapos isara ng ilang buwan bunsod ng mahigpit na travel restrictions sa buong bansa sanhi ng coronavirus.

Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat, kinakailangan isagawa ang pagsubok sa ilang tourism destinations sa lalong madaling panahon upang masiguro ang kaligtasan at seguridad sa kalusugan ng mga tao sa inaasahang actual reopening nito sa buwan ng Agosto.

Papayagan lamang bumisita sa isla ang mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) kalakip ang negatibong resulta mula sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR).

Magmula nang ipataw ang massive travel restrictions sa buong bansa nakaramdam ng matinding pasakit sa tourism revenue ang mga sikat na puntahan sa Pilipinas gaya ng isla sa El Nido.

bottom of page