Emergency Hotline na 911, Balik Operasyon na


Balik operasyon na ang emergency hotline na 911 matapos bumuti ang kalagayan ng mga mangagawa ng National Call Center (NCC) na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, nagpapasalamat ito sa mga taong nakaunawa ng sitwasyon sapagkat hindi aniya madali ang trabaho ng mga empleyado ng NCC.

Nitong Agosto ay matatandaang inanusyo ng DILG ang pansamantalang pagsasara ng

NCC matapos magpositibo ang ilang tauhan ng naturang ahensya sa COVID-19 na lubos na nakaapekto sa operasyon ng emergency hotline.