Enrollment Target ng SY 2020-2021, Naabot na ng DepEd

Naabot na ng Department of Education (DepEd) ang kanilang target enrollees, parehong pampubliko at pribadong mga paaralan, para sa school year (SY) 2020-2021.
Batas sa National enrollment data na inilabas ng ahensiya, 22,233,806 mag-aaral na sa buong bansa ang enrolled para sa darating na pagbubukas ng klase.
Kabilang dito ang mga estudyante mula Kindergaten hanggang Grade 12, mga mag-aaral sa Alternative Learning System (ALS), pati na rin ang mga non-graded students na may kapansanan sa buong bansa.
Ayon pa sa datos, nasa 92% ng mga estudyante ng nakaraang taon ang enrolled sa mga pampublikong paaralan. Samanatalang nasa 31% lamang ng mga enrolees noong 2019 ang enrolled sa mga pribadong paaralan.
Sa isinumiteng report ng DepEd sa National Economic and Development Authority (NEDA), binabaan ng ahensiya ang kanilang target enrolment rate sa 80% ng rate nakaraang taon, na umabot sa 27.7 million.
Tatanggap pa ang DepEd ng late enrollees hanggang sa huling linggo ng Setyembre. Ipinagpaliban naman ng DepEd ang pagbubukas ng klase ng tatlong buwan, upang mapaghandaan ang paglipat nito sa blended/distance learning na bunsod ng pandemiya.