Establisyimentong Nagbenta ng ‘Manila-Province of China’ Goods, Ipinasara ng Manila LGU

Ipinasara ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko’ Domagoso ang ilang establisyimentong sa Divisoria Mall sa nagbebenta ng mga beauty products na nagsasabing probinsiya ng China ng lungsod Maynila.
Sa address ng isang hair care product, pinangalanan ang Binondo bilang probinsiya ng People’s Republic of China.
Ayon kay Manila Business and Licensing Office Head Levi Facundo, ito raw ay mis-interpretation at malaking insulto sa mga Pilipino.
Samantala, nakipag-ugnayan na ang Manila City Government sa mall operators na huwag
payagang magbukas ang mga establisyemento hangga't walang go signal mula sa lokal na
pamahalaan.
Patuloy na aalamin ng mga awtoridad kung sino at ano ang nasyonalidad ng may-ari ng mga
business.
Kamakailan lamang ng nanawagan si PBA partylist Representative Jericho Nograles na
imbestigahan ang Chinese beauty product na pinapangalanang parte ng China ang Maynila sa address nito.