top of page

Estudyante, Nagdisenyo ng Bagong ID System para sa mga Kapwa Niya PWD


Photo from Instagram.com/aiaarkoncel

Nagdisenyo si Aia Arkoncel ng nakamamanghang bagong ID system na konektado sa gawa rin niyang mobile app para sa kapwa niya Persons with Disability (PWDs).

Ang ID system na gawa ni Aia ay color-coded cards kung saan mas madaling makikita kung anong uri ng disability meron ang isang tao na konektado sa PWD PH, mobile app na gawa rin ni Aia.

Makikita dito ang kanilang medical profile, discounted transactions, paalala sa pag-inom ng gamot, checkups, at iba pa.

Bagamat ang iba’y wala paring ID hanggang ngayon ay maari nang mag-apply gamit ang nasabing app, ito ay eklusibo para sa mga hindi makapunta ng personal sa mga city halls para kumuha ng ID card kung saan isa ito sa benefical feature ng PWD PH.


Una nang nasilayan ang disenyo ni Arkoncel nang mangalap siya ng mga respondents online na kakailanganin niya para sa kanyang thesis project.

Ayon kay Aia, bilang isang creative at person with disability, ito ay isang magandang oportunidad upang maipalas ang kakayahan ng mga tulad niya at isang paraan na rin niya upang mag-give back sa komunidad kung saan siya napapabilang.


bottom of page