top of page

Estudyante, Naglalako ng Meryenda Upang may Pambili ng Cellphone sa Darating na Pasukan


Bagamat inilapat na ng Department of Education (DepEd) sa buwan ng Oktubre ang unang araw ng pasukan, madiskarteng naglalako ng meryenda ang 21-anyos na senior high school (SHS) student na si Janet “Ana” Estacio sa Tarlac City upang makalikom ng pera pambili ng gagamiting cellphone ngayong pasukan.

Araw-araw ay nililibot ni Ana, Grade 12 sa darating na pasukan sa ilalim ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) strand, ang kanyang panindang meryenda gaya ng lumpiang gulay at butchi sa Brgy. Balete, Tarlac City.

Mula sa 180 na puhunan ay kumikita ng 50 hanggang 100 piso kada araw ang dalaga sakaling mapaubos niya ang kaniyang paninda at ito ang nagsisilbing ipon niya para makabili ng gagamiting gadget sa darating na pasukan.

Maliban sa paglalako ng mga meryenda, kasabay ng kanyang pag-aaral ay isa ring kasambahay si Ana upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

bottom of page