top of page

European Union, Nagtalaga ng 1.8 Trillion-Euro Budget Kontra COVID-19


Matapos ang apat na araw at apat na gabing diskusyon sa kanilang naganap na pinakamahabang summit sa kasaysayan, sa kalaunan ay nagtakda ng 1.8 trillion-euro o $2.1 trillion ang European Union (EU) para sa kanila coronavirus recover fund.

Patuloy na pinag-usapan ng 27 leaders ang mga posibleng threat sa ekonomiya at kalusugan ng kanilang kontinente, na nagresulta sa isang malakihan at malawakang budget para sa mga natamaan at mga bansang bumaba ng husto ang ekonomiya dahil sa pandemic.

Bago pa man ang COVID outbreak, pinag-uusapan na ng EU ang 1 trillion-euro budget. Pero dahil sa recession dulot ng pandemya, magkakaroon ng karagdagang 750 billion coronavirus fund na magiging loan para sa mga bansang pinaka-naapektuhan.

bottom of page