Face mask na may Valve, Hindi Epektibo sa Pagpigil ng COVID 19 ayon sa Pag-aaral

Hindi epektibo ang mga face masks na may valve at plastic face shield sa pagpigil ng transmission ng coronavirus kung gagamitin silang mag-isa, ayon sa pag-aaral ng Florida Atlantic University sa USA.
Sa inilathalang report sa US journal Physics of Fluids, nakapupuslit pa rin umano palabas ng mga nasabing protective equipment ang mga droplets na nailalabas kapag humahatsing o umuubo ang isang tao.
Malaking bilang raw ng droplets ang nakalalabas ng sa mga valve ng face mask nang hindi nafifilter.
Pinayuhan ng mga researchers na mag-invest umano sa mga high-quality cloth o medical face masks na mas mainam pang gamitin sa pagpigil ng virus.