Face Shield sa Trabaho, Isinulong ng DOLE

Isinusulong na rin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagsusuot ng face shields sa lugar ng trabaho bilang karagdagang health protocol laban sa COVID-19.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, layunin ng DOLE na masiguro ang kaligtasan ng mga manggagawa habang nagtatrabaho.
Ipinasa na ng ahensiya ang panukala sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at makukumpira ito ng decision-making body sa kanilang pulong kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Health (DOH).
Dagdag pa ni Bello na sasaluhin ng employers ang gastos sa pagbili ng face shields ng kanilang mga empleyado at sinumang hindi susunod sa protocol ay haharap sa administrative penalities.