Face Shield sa Trabaho, Mandatory na Simula Agosto 15

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang panukala ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pagsusuot ng face shields sa lugar ng trabaho.
Simula sa Agosto 15, mandatory na pagsusuot ng face shields ng mga empleyado sa kanilang lugar ng trabaho tulad ng mga opisina at pabrika.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ito raw karagdagang hakbang upang mapigil ang lalong pagkalat ng COVID-19 sa mga pook-gawaan.
Ayon kay Bello, kailangang sagutin ng mga employers ang gastusin upang mabigyan ng face shields ang kanilang mga empleyado.
Pinaalalahanan naman ng DOLE ang mga employers na sumunod sa health protocols na inisyu ng ahensiya at ng Department of Trade and Industry (DTI) upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado.
Nakikipag-ugnayan na ngayon ang Department of Health (DOH) sa DTI upang makapaglabas ng suggested retail price (SRP) ng nasabing PPE.
Unang naglabas ng kautusan ang Department of Transportation (DOTr) ng mandatory na pagsusuot ng face shield sa loob ng mga pampublikong transportasyon.