Face Shields, Hindi Mandatory Maliban sa mga Pampublikong Transportasyon

Sa muling pagkakataon ay nilinaw ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na hindi mandatoryo ang paggamit ng face shields maliban sa mga pampublikong transportasyon matapos tawagin bilang “anti-poor” ng ilang sektor ang paggamit nito.
Ayon kay DILG Sec. Año, bukod sa implementasyong ito ng ahensya ay maari paring mag-impose ng sariling rules ang mga local government units (LGUs) kaugnay ng pagsusuot ng face shields ngunit hindi dapat ito patawan ng multa buhat nang hindi naman ito ikinokonsidera bilang absolute necessity.
Samantala, sa ilang industriya, mandatoryong pinagsusuot ang mga empleyado ng face shields at face masks sa kani-kanilang workplaces.
Ani Año, mabisa parin ang pagsusuot ng face masks, mahigpit na pagsunod sa physical distancing at palagiang paghuhugas ng kamay ang hindi dapat isinasaalang-alang ng publiko ngayong panahon ng pandemya.