Face Shields, Kailangan na rin sa mga Supermarkets, Malls at Government Venues

Ginawa na rin mandatory ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagsusuot ng face shields sa mga supermarkets, public markets, shopping malls, at government venues.
Hinikayat rin ng IATF ang pagsusuot ng nasabing protective equipment sa lahat ng mga
pampublikong lugar.
Ayon sa IATF, ito’y karagdagang proteksyon, kasama ng face masks, upang mapigilan
ang lalong pagkalat ng COVID-19.
Ayon sa Department of Health (DOH), nagbibigay umano ito ng 99 porsyentong
proteksyon laban sa novel coronavirus ang pagsusuot ng face shield kasama ng face
mask.
Ito’y matapos gawing mandatory na rin ang pagsusuot ng face shields sa mga
pampublikong transportasyon at workplaces.