top of page

Face-to-Face Classes, Posibleng Ipatupad sa MGCQ Areas


Posibleng ipatupad ang face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine matapos makatanggap ng ilang proposal ang Department of Education (DepEd) at Commision on Higher Education (CHED) patungkol sa resumption ng klase ngayong pasukan.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, bagama’t mayroong mga proposal na limited face-to-face classes sa mga lugar na pinakamaluwag ang quarantine restriction sa bansa ay hindi parin ito maipatutupad hangga’t hindi aprubado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa palagay naman ni DepEd Secretary Leonor Briones, maari naman siguro aniyang ipatupad ang face-to-face classes sa mga low-risk areas sa bansa ngunit kailangang sumunod sa mahigpit na panununtunan ng pamahaalan upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

bottom of page