Face-to-Face Training at Assessment ng TESDA, Pwede Na Sa GCQ at MGCQ Areas

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang face-to-face training at assessment ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakatakdang umalis ng bansa sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ).
Sa ilalim ng Resolution No. 78 na inilabas ng IATF-EID ay pinapayagan ang mga Technical Vocational Institutions (TVIs) at TESDA Technology Institutions (TTIs) na magsagawa ng trainings at assessments para sa mga kababayang lilipad sa ibang bansa para magtrabaho, ngunit para lamang ito sa GCQ at MGCQ areas na may limitadong bilang na hindi lalagpas hanggang 50% capacity at kinakailangang sumunod sa minimum health protocols ng pamahalan.
Lubos naman ang pasasalamat ni TESDA Chief Isidro Lapeña sa pagtugon ni Department of Health (DOH) Secretary at IATF-EID Chairman Francisco Duque sa isinumite nitong request para payagan ang pagsasagawa ng mga naturang assessments at trainings.
Dagdag ni Lapeña, malaking tulong ito para sa OFWs.