top of page

Farm Lands Alok ng DAR para sa ‘Balik Probinsya’


Photo is for illustration purposes only.

Nag-alok ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng lupain para sa mga magbabalik probinsya mula sa Maynila at mga Overseas Filipino Workers (OFW) na uuwi ng bansa sa ilalim ng “Balik Probinsya” program ng gobyerno na gustong pasukin ang pagsasaka.

Ayon kay DAR Secretary John Castriciones, mayroong 420,000 ektarya na pag-aari ng pribadong sektor at 150,000 ektarya naman na pag-aari ng gobyerno ang handang ipamahagi para sa mga qualified beneficiaries’ ng nasabing programa.

Dagdag pa ni Castriciones, ang pamamahagi ng maliliit na farmland para sa mga mangagawa na magbabalik probinsya ay isang paraan ng ahensya upang tulungan ang mga ito na ituloy ang buhay sa sariling bayan.

Samantala, kasalukuyang nangangasiwa naman ng housing program ang ahensya na tinawag nilang “Balai Magsasaka” bilang tulong sa mga farmers.

bottom of page