top of page

FDA, Aprubado Ang Paggamit Ng Chinese Herbal Medicine Bilang Gamot Sa COVID-19


Photo from CFP.

Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng isang Chinese herbal medicine na Lian Hua Qing Wen bilang paggamot sa mild and moderate cases ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang Lian Hua Qing Wen capsule ay gawa ng kilalang Traditional Chinese Medicine (TCM) manufacturers sa China na Shijiazhuang Yiling Pharmaceutical Co. Ltd., ayon sa pahayag ng Chinese Embassy.

Ang naturang herbal medicine ay mabisang panggamot ng mild at moderate cases ng COVID-19 sa bansang China at maging sa mga bansang Hong Kong, Brazil, Indonesia, Canada, Mozambique, Romania, Thailand, Ecuator, Singapore at Laos.

Umaasa naman ang Chinese Embassy na makakatulong ang naturang gamot sa laban ng bansa kontra sa paglaganap ng nakahahawang sakit.

bottom of page