FDA, Nagbabala Kontra ‘Misbranded’ Face Masks

Binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa mga binibiling ‘misbranded’ face maks na nakasulat sa ibang wika o hindi madaling maintindihan ng ordinaryong indibidwal na kasalukuyang kumakalat sa merkado.
Kasabay ng inilabas na abiso ng FDA ay binanggit rin ng ahensya ang mga sumusunod na tatak ng mga naturang face masks.
Nakasaad sa FDA Act of 2009, itinuturing na misbranded ang isang produkto kung ito ay nakasulat sa foreign characters at hindi madaling maintindihan ng isang ordinaryong indibidwal ang mga nakalagay na impormasyon dito.
Kabilang sa ikinokonsidera bilang ‘misbranded’ face masks ay ang Fu Lee Bang disposable mask, Flag World face masks at ang isa pang hindi matukoy na produkto.
Hinimok naman ng FDA ang Bureau of Customs (BoC) sa pagpapatigil ng pagpasok ng mga naturang produkto sa bansa.