FDA Nagbabala Kontra sa Vape Juice na may Sangkap na Marijuana


Nagbabala ang Food and Drug Administration sa paggamit ng vape juice na may halong sangkap ng liquid marijuana at may brand name na Gluttony at “Mamon” kung tawagin ang flavor o variant matapos ang ulat na nagpositibo ito sa Cannabidiol o matatagpuan sa halamang cannabis o marijuana.

Kasalukuyang hinaharang ng FDA ang produksyon ng nasabing e-cigarette juice sa bansa dahil itinuturing itong ipinagbabawal na gamot sa ilalim ng Republic Act. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Hinimok ng ahensya ang publiko na huwag tangkilikin ang pagbili o paggamit ng naturang produkto dahil delikado ito sa kalusugan ng tao.