FDA Nagbabala sa "Misleading" Claims ng Anti-Virus Product na Ibinebenta Kontra COVID-19
Naglabas ng advisory ang Food and Drug Administration hinggil sa ‘misleading’ claims ng mga ibinebentang anti-virus at disinfectant products na kalat ngayon sa mga social media na kontra umano sa COVID-19.
Sa Facebook post ng FDA, binalaan ang publiko ng paggamit ng “Virus Shut-out” at “SDS Blocker Anti-Virus” na produktong siyang ibinebenta sa merkado ay hindi nakatutulong upang pigilan at labanan ang posibleng paghawa ng COVID-19.
Ang mga naturang anti-virus at disinfectant products ay kadalasang isinusuot sa leeg at pwede maging sanhi ng irritation sa bibig, lalamunan o tiyan, may epekto rin sa shortness of breath at iba pang respiratory problems.
Nilinaw naman ng FDA na wala paring specific treatment ang COVID-19 kaya hinihikayat ang lahat na sumunod sa accurate public health advice at health guidelines ng Department of Health (DOH) para may sapat na kaalaman kung paano masusugpo ang kalaban o virus, gaya ng paghuhugas ng kamay at pagsunod sa iba pang precautionary measures.
