top of page

FDA, Nagbabala sa Posibleng Side Effects ng mga COVID-19 Vaccine Trials


Dahil sa kabi-kabilang mga trials na isinasagawa para sa mga COVID-19 vaccine, isiniwalat ng Food and Drug Administration (FDA) sa publiko ang mga side effects na pwedeng makuha sa mga ito.

Ipinahayag ni Dr. Eric Domingo na nakadepende ang mga side effects sa uri ng bakuna na ginamit sa isang indibidwal, at kabilang sa mga ito ang pamamaga sa area ng injection, pananakit ng katawan, at pamimigat ng katawan pagkatapos ng bakuna.

Ang ibang mga bakuna naman ay maaari daw makapagdulot ng sakit, na posibleng katulad o hindi ng COVID-19.

Siniguro naman ni Domingo na susuriing mabuti ng FDA ang mga bakunang ito, at pipiliin ang isa na may pinaka-kakaunti at mild na side effect hangga't maaari.

bottom of page