top of page

FDA, Nagbabala sa Side Effect ng Maling Paggamit ng Dexamethasone Kontra COVID-19


Photo for illustration purposes only.

Bagaman kumpirmado nang epektibo ang dexamethasone, isang steroid pill, sa pagpapagaling sa mga COVID-19 positive patients, nagbabala ang Food and Drug Administration sa mga posibleng side effects ng naturang gamot.

Ang maling paggamit dito ay pwedeng maging sanhi ng mahinang immune system, ulcer, internal bleeding sa tiyan, panghihina ng mga buto at muscles, mabagal na paggaling ng mga sugat, pamamaga ng paa, diabetes at hypertension.

Inanunsyo ng kagawaran na kailangan ang supervision ng isang professional sa pag-inom nito, at hindi pwedeng bilhin over the counter, o kahit online at inumin ng sarilinan.

bottom of page