• Malou Manuel

Filipino-American Kristina Knott, Bagong Sprint Queen


Photo from Instagram/Kristina Knott

Kung si Lydia De Vega ang tinaguriang Sprint Queen ng Pilipinas sa loob ng 33 taon, bago na ang may hawak nang kanyang titulo sa kasalukuyan kung saan binura ni Kristina Knott ang national record ni De Vega na 11.28 seconds noong 1987 Jakarta SEA Games.

Naitala ang bagong record ni 2019 Southeast Asian Games gold medalist na si Knott ng masungkit nito ang silver medal sa 100-meter women's dash event sa 2020 Drake Blue Oval showcase sa Lowa sa 11.27 seconds.

Nasungkit rin ni Kristina sa records ni Lydia ang 23.35 seconds sa 200-meter dash, nakuha ng una sa 23.30 oras lamang.


Pati ang sarili nitong record ay giniba niya na may 23.01 seconds na naging dahilan para malampasan niya ang 23.07 seconds ni Supavadee Khawpeag ng Thailand noong 2001 SEA Games.