Filipino-Australian CEO, Itinalaga Bilang Pinakabatang Bilyonaryo sa Australia

Isang 32 taong-gulang na Filipino-Australian na si Melanie Perkins, ang idineklarang pinakabatang billionaire at ikatlo sa pinakamayayamang babae sa bansang Australia.
Si Melanie ay founder at ang nasa likod ng tagumpay ng isang graphic design at publishing application na Canva, na kilala sa buong mundo dahil sa pagiging accessible at user-friendly nito.
Dahil sa COVID-19 pandemic, maraming negosyo ang nagsi-litawan online at malaking tulong ang mga ito sa pagtaas ng usage ng Canva.
Tinatayang nasa $2.5 billion ang business worth ng Canva na siyang dahilan kung bakit naitalaga bilang third richest woman sa Australia si Melanie.
Mahigit na 15 milyong tao at 50,000 eskwelahan na ang gumagamit sa application na ito kada-buwan kaya naman ibinahagi ni Melanie na mahalagang alamin ang mga kakulangan sa isang industriya at humanap ng paraan para masolusyonan ito.