top of page

Filipino Cadet Nagtapos ng Nuclear Engineering sa US Military Academy


Photo from facebook.com/Penman007

Pinatunayan ni Jesson Cawaing Peñaflor ang galing ng Pinoy matapos nitong magtapos sa kursong Nuclear Engineering sa United States Military Academy (USMA) sa West Point, New York noong Sabado.

Ang 24-anyos na tubong Bukidnon ay isa sa 1,107 miyembro ng USMA’s Class of 2020 na nagmartsa sa parade field ng akademya noong Hunyo 13.

Mula sa kaniyang plebe year sa Philippine Military Academy (PMA) noong 2015, si Peñaflor lamang ang nabigyan ng pagkakataon na pumasok sa USMA nang mapili siya para sa Foreign Service Academy (FSA) program.

Malayo naman sa inaasahang magarbong seremonya ang graduation rites ng mga cadets matapos isagawa ang programa ng walang mga bisita dahil sa banta ng COVID-19.

Dahil dito, sa live streaming na lamang nanuod nagbigay na lamang ng suporta ang mga kaanak at kaibigan ng mga cadets.

bottom of page