Filipino Film na “Lingua Franca”, Panalo sa 2020 Bentonville Film Festival

Nasungkit ng Filipino film na “Lingua Fanca” ang top prize sa naganap na 2020 Bentonville Film Festival sa United States matapos ito ianunsyo ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) nitong Miyerkules.
Binati ng FDCP ang direktor ng pelikula na si Isabel Sandoval matapos nitong masungkit ang Jury Award for Best Narrative Feature nang taunang film festival sa Bentonville, Arkansas, US nitong August 16, ayon sa naturang social media post ng grupo.
Ang Bentonville Film Festival ay isa sa mga inaabangan at prestihiyosong pagdiriwang sa buong mundo kung saan binibigyan ng pagkilala ang mga kakaibang obra sa larangan ng pelikula.