Filipino Minors, Dayuhang mga Magulang, Papayagan ng Bumisita sa Pilipinas

Makabibisita na sa Pilipinas ang mga menor de edad na Filipino nationals pati na ang mga minor Filipino nationals with disabilities sa bagong resolusyon na inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Sa IATF-EID Resolution No. 60, makapapasok na rin ng bansa ang mga dayuhang asawa at dayuhang mga magulang ng mga Filipino nationals basta mayroong Philippine visas ang mga ito.
Inamiyendahan ng bagong resolusyon ang IATF-EID Resolution No. 14 na pinapayagan lamang ang mga dayuhang asawa at anak ng mga Filipino nationals na makapasok ng bansa.
Pinayagan na rin ng IATF ang pagpasok sa Pilipinas ng mga dayuhang mayroong long-term visas simula August 1 ngunit hindi pa rin tatanggapin ang mga new entry visa application.
Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kailangang manatili sa quarantine facilities ang mga dayuhan habang hinihintay ang kanilang resulta sa COVID-19 polymerase chain reaction tests.