Financial Market ng Pilipinas Malakas Parin sa Kabila ng COVID-19

Bagaman patuloy na nakikibaka ang lahat sa krisis bunsod ng COVID-19, ipinahayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na patuloy pa ring umaakyat ang financial market ng bansa base narin sa Financial Stability Coordination Council (FSCC).
Sa April rendition ng Financial Stability Report, walang mga natuklasang kalagayan na nagpapakitang bumabagsak at bumababa ang financial market sa Pilipinas.
Ang FSCC ay binubo ng BSP, Department of Finance, Insurance Commission, Philippine Deposit Insurance Corporation, at ng Securities and Exchange Commission.
Layon nitong bantayan ang local financial system at magtakda ng mga kinakailangang pagbabago para sa ekonomiya.
Responsibilidad din ng FSCC na magbigay ng fiscal support cash subsidies, mas mahabang tenor para sa mga debt papers, at paigtingin ang transparency sa market pricing.