Flight Steward Noon, Tindero ng Beef Pares Mami Muna Ngayon!


Photo from Facebook.com/michaeljacobcastigador.pornel

Labis mang apektado ang trabaho sa pandemyang kinakaharap ng bansa ay hindi parin ito naging hadlang para sa flight steward na si Michael Jacob Castigador Pornel na ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng COVID-19 crisis sa pamamaraan ng pagbebenta ng beef pares mami sa kalsada.

Bagama’t natigil ang operasyon sa pinagtratrabahuan niyang airline ay hindi naman natigil ang mga bayarin at pangangailangan ng pamilya ni Michael kaya malayo man sa nakagawiang trabaho ay naging daan naman ito upang maipagpatuloy ang kanyang obligasyon.

Kung dati’y sa airport ang laging puntahan, ngayon ay sa palengke at iba’t ibang sulok ng kanto at kalsada ang laging tambayan ng madiskarteng si Michael para magbenta ng beef pares mami na siya ring bumuhay sa kanya noong ito’y nag-aaral pa.