top of page

Foreigners, Hindi pa din Papayagang Pumasok sa Bansa, Pahayag ni Spokesperson Roque


Matapos suriin ng isang technical working group ang sitwasyon at kalagayang kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan dahil sa COVID-19 pandemic, pinagpasiyahan nilang huwag muna papasukin ang mga dayuhan o foreigners sa loob ng Pilipinas, ayon sa pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Bagaman kinakailangan ang iilang mga foreign workers sa bansa dahil sa pagpapatuloy ng Build, Build, Build program, sinabi ni Roque na prayoridad pa rin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang kaligtasan ng mga Pilipino, bago ang kapakinabangan ng mga banyaga.

Pero ayon din sa tagapagsalita ng pangulo, papahintulutang makapasok sa bansa ang mga foreign diplomats at mga asawang dayuhan mga Pilipino.

bottom of page