“Forever” Work From Home Para sa mga Empleyado ng Twitter
Kung sa lovelife walang forever, sa Twitter meron. Ang forever work from home.
Ayon sa tagapagsalita ng kumpanya, ipinahayag ni Twitter CEO Jack Dorsey na pinapayagan niya ang kanyang mga empleyado na mag work from home hangga’t gusto ng mga ito kahit tapos na ang Covid 19 pandemic.
Sinabi pa ng kanilang tagapagsalita, sa nakalipas na mga buwan ay naging epektibo naman ang kanilang trabaho kaya wala silang nakikitang problema kung gustuhin ng kanilang mga empleyado na sa bahay nalang magtrabaho.
Nakasaad din sa pahayag ng kanilang CEO na malabo ng magbukas ang kanilang opisina bago mag Setyembre at lahat ng kanilang okasyon ay kanselado na hanggang sa matapos ang taon.
Matatandaang una ng nagdeklara ng work from home hanggang 2021 ang kumpanyang Google para sa kanilang empleyado.
