Former NBI Head Dante Gierran, Itinalaga Bilang Bagong Philhealth Chief


Contributed Photo.

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang former National Bureau of Investigation (NBI) chief na si Dante Gierran bilang bagong Head ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) matapos ang kanyang naging pagpupulong kasama ang Inter-Agency Task Force (IATF).

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, kasunod ng pagpupulong ni Pangulong Duterte kasama ang IATF ay pormal nitong inanunsyo na kapalit ni retired Brig. Gen. Ricardo Morales si Gierran bilang bagong chief executive officer ng PhilHealth.

Matatandaang nagbitiw sa puwesto si Morales bilang PhilHealth president at chief executive officer nitong nakaraang linggo matapos lumitaw ang alegasyon ng korapsyon sa kabila ng krisis na kinakaharap ng bansa sanhi ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Samantala, ibinunyag ni Morales na kasalukuyan siyang sumasailalim sa cancer treatment matapos tanggapin ni Pangulong Duterte ang resignation letter nito.