top of page

Frontliners, Exempted sa ‘Modified Coding Scheme’ ng MMDA


Photo from pna.gov.ph.

Hindi kabilang ang mga medical frontliners sa ‘modified coding scheme’ na isasagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sakaling sumailalim na ang buong Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) sa darating na June 1.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, dahil sa sakripisyo ng mga ito sa krisis na kinakaharap ay papayagan nila ang mga healthcare workers na gamitin ang mga coded-vehicles kahit hindi na sumunod sa modified number coding scheme na gagawin sa National Capital Region (NCR)

Ngunit nilinaw ni Garcia na magiging limitado parin ang mass transportation at mananatiling nakahinto ang operasyon ng mga pampublikong bus at jeep sa loob ng dalawang linggo sakaling sumailalim na sa GCQ ang buong Metro Manila.

Samantala, pinuna naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang mga government officials na nag-iisyu ng mga traffic pronouncements na nagdudulot lamang ng ‘general confusions and questions’ sa mga motorista.

bottom of page