Fun Collaboration ng OPM Band Ben&Ben at Thai Band Scrubb, Trending Online!

Trending ang sikat na Original Pilipino Music (OPM) band Ben&Ben sa bansa, matapos magkaroon ng fun collaboration kasama ang Thai Band na Scrubb gamit lamang ang kagamitang pambahay bilang musical instrument ng kanta.

Sa pamamagitan ng toothbrush, sponges, at shoe polisher, kabilang din ang paghuhugas ng kamay at paglilinis ng mga kagamitan sa loob ng bahay bilang instrumento ay nakalikha ng isang educational music video ang dalawang banda laban sa laganap na corononavirus disease sa buong mundo.


Kinanta ng dalawang banda sa naganap na online jamming ang “Everything” na single ng bandang Scrubb na bahagi ng Official Sound Track (OST) ng sikat na 2gether Thai series.


Panuoring ang video sa baba: