• Malou Manuel

GAB-AID, Nakipag tulungan sa Paghuli ng mga Illegal Bookies

Updated: Nov 4


Photo for illustration purposes only,

Habang naghahanda ang sambayanan sa paparating na susunod na bagyo, may mangilan-gilang pa ring pasaway ang inaatupag na sumabak sa illegal na pasugalan.

Ngunit, hindi nagpabaya ang Games and Amusements Board (GAB) Anti-Illegal Division para masawata ang grupo at indibidwal na patuloy na lumalabag sa kaayusan at ipinatutpad na batas.

Nung Oktubre 31 (Sabado), sa pakikipagtulungan ng Makati City Police Station (MCPS) Intelligence Section na pinamumunuan ni PEMS OIC Donie D. Tidang at mga operatiba ng Olympian Sub-Station, sinalakay ang illegal bookies sa 4883 Chino Roces St., corner Barasoain St. sa Brgy. Olympia, Makati City.

Bago ang isinagawang pagsalakay, nakipag-coordinate ang GAB-AID, sa pamumuno ni Glenn Jones Pe, sa Makati Police matapos matanggap ang impormasyon sa patuloy na pagsasagawa ng illegal bookies sa naturang lugar.

Kaagad na nagbuo ng raiding team at sa maingat at maayos na operasyon naaktuhan ang ilang kalalakihan na nagsasagawa ng illegal bookies. Kaagad na dinampot ang dalawang suspect, gayundin ang ilang mananaya para papanagutin sa batas.

Nakuha ng operatiba sa illegal bookies ang mga ebidensya tulad ng dalawang TV monitor, betting paraphernalias, dividendazos at iba pang kagamitan.

Mula nang ibalik ang horseracing at sabong ng Inter-Agency Task Force (IATF) isang mahalagang panuntunan ang ‘health and safety’ protocol sa lahat ng sangkot sa industriya kung kaya’t inilunsad ng mga premyadong horseracing club at cockpit arenas na pawang nasa pangangasiwa ng GAB ang online betting.